Ang mga institusyong mapagkawanggawa na nakakabit sa mga simbahan sa Roma ay itinatag hanggang sa panahong medyebal at kasama ang mga ospital, ostel, at iba pang nagbibigay ng tulong sa mga peregrino sa Roma mula sa isang "bansa", na kung saan ay naging mga pambansang simbahan sa Roma. Ang mga institusyong ito ay pangkalahatang inorganisa bilang mga konfraternidad at pinondohan sa pamamagitan ng mga kawanggawa at pamana mula sa mayamang patron na kabilang sa "bansang" iyon. Kadalasan din ay konektado sila sa pambansang "scholae" (mga ninuno ng mga seminaryo ng Roma), kung saan ang mga klero ay sinanay. Ang mga simbahan at ang kanilang kayamanan ay tanda ng kahalagahan ng kanilang bansa at ng mga preladong sumusuporta sa kanila. Hanggang sa 1870 at pag-iisang Italyano, naging kabilang din sa mga pambansnag simbahan ang mga simbahan ng mga Italyanong estadong-lungsod (na ngayon ay tinatawag na "mga panrehiyong simbahan").